CORONAVIRUS AT SI CRISTO
Sa Coronavirus at si Cristo, inaanyayahan ni John Piper ang mga babasa nito sa buong mundo na tumayo sa di-magigibang Batong Sandigan, walang iba kundi ang Panginoong Jesu-Cristo. Kay Cristo lang natin matatagpuan ang lakas na kailangan natin sa pamamagitan ng Diyos na sovereign sa lahat, at siyang nagtatakda, nangangasiwa, at naghahari sa lahat ng bagay para matupad ang kanyang mga layunin--his wise and good purposes. Sa librong ito, nag-alok si John Piper ng anim na sagot sa tanong na, "Ano ang ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng coronavirus?" Sa pamamagitan ng mga sagot na ito na hango sa Bibliya, pinapaalalahanan tayo na ang Diyos ay gumagawa sa bahaging ito ng kasaysayan.
Video appeal of John Piper
Sa panahon natin ngayon, nararamdaman natin kung gaano karupok ang mga bagay sa mundong ito. Maging ang mga akala nating matatag na pundasyon ay nayayanig. Kaya naman ang dapat na itanong natin ay ito, Matibay ba ang Batong kinatatayuan ko? Ito ba’y isang Batong hindi matitinag—kahit ano pa ang mangyari?
Sa librong ito, inaanyayahan kitang samahan mo ako sa paglapit kay Jesu-Cristo. Siya ang Sandigan, hindi magigiba. Umaasa ako na sa pagbabasa nito ay maging malinaw ang tunay na kahulugan nito. Hangad kong maipakita sa iyo kung paanong ang Diyos na nahayag sa pamamagitan ni Cristo ang siyang Sandigan sa bahaging ito ng kasaysayan natin—ngayong laganap ang coronavirus sa buong mundo. Nais ko ring maituro sa iyo kung paano tumayo sa kanyang makapangyarihang pag-ibig.

DOWNLOAD FOR FREE
Paki-fillout ang form at ipapadala namin sa email mo ang libreng Coronavirus at Cristo eBook (epub, mobi and pdf formats).
Study guide
paper back copy
is now available for purchase
Shipping within the Philippines only.
Visit Treasuring Christ PH's Online Bookstore
AUDIOBOOK
Book Reviews
Kung magpo-post kayo sa social media ng mga may kinalaman sa contents ng librong ito, gamitin ang hashtag na #CoronavirusAtSiCristo.
Kung nakatulong sa ‘yo ang librong ito, gusto naming marinig kung paano ginamit ng Diyos ang mga nabasa mo para matulungan ka sa panahong ito. Pwede mo kaming i-email sa [email protected] Para sa iba pang mga Taglish gospel-centered resources tulad ng ebooks, sermons, study guides, at conference resources, please visit our website at www.treasuringchristph.org.